Alam Niyo Na Ba?

Alam niyo na ba ang latest? Nandito na sa atin ang mga US troops mula sa Mindanao. Dahil dito sa Bicol maglulunsad ng ika-25th Balikatan exercise. Ano nga ba talaga itong Balikatan exercise at bakit marami ang tutol dito?

Ang Balikatan (shoulder-to-shoulder) exercise ay isang military exercise sa pagitan ng American and Filipino soldiers. Objective nito na ang mga Filipino ay matuto ng makabagong technique sa pakikidigma at mga makabagong kagamitang-pandigma, habang ang mga Amerikano naman ay masanay sa mga jungle technique, na paborable sa Bicol dahil sa katangian ng terrain at strategic ang location nito para sa combat manuevers.

Resulta ang Balikatan exercise, nang Visiting Forces Agreement, na nagbibigay permission sa foreign troops (specifically from the US) na manghimasok sa ating bansa. Although labag ito sa Transitory Provisions ng 1987 Philippine Constitution, na sa Sek. 25, Art. XVIII: “…foreign military bases, troops, or facilities shall not be allowed in the Philippines…;” nailusot ito sa ating bansa.

By the mere presence of these US forces and direct involvement, ito ay US intervention and against sa ating sovereignty. We are losing our supremacy against all the foreign will, of persons or states. We are being subjected upon the control of the US.  Dahil, anumang problema ng isang bansa, ay ni-reresolve internally. Hindi kailangan ng foreign interference upang masolusyunan ito. Ano na lang ang silbi ng pagiging nation ng Pilipinas?

Hindi rin totoo na ang Balikatan exercise dito sa atin ay purely humanitarian mission ayon sa AFP. Sino ang lolokohin mo na ang US Special Operation Forces na trained na psychological warfare ay naririto sa Bicol na ang pakay genuine na kawang-gawa? Well, in fact, bahagi ng new tactics ng US ang tinatawag na Low Intensity Conflict (LIC) dahil hindi na umuubra ang kanilang lumang taktika na direktang panggegera.. Sa LIC, ginagamit ang mga lokal armed forces laban sa mga tao (ito ang tinatawag na military o combat operation, kaya nag-increase ang human rights violations ng AFP) at part din nito ang paglulunsad ng mga projects at activities na tumutugon sa needs ng mga mamamayan to easily materialize their military objective (ito naman ang tinatawag na psychological warfare o psyops).

If gusto talaga nilang tumulong, ano ang silbi ng Government of the Republic of the Philippines? Mayroon tayong DPWH, DepEd, DOH, Local Government Units (LGUs), and other government agencies. Hindi na kailangan presence ng mga bihasang sundalong Amerikano at matataas na kalibre ng baril, upang magkaroon ng road construction, bagong school building at maglunsad ng medical mission.

Gusto natin ng peace and isang community na mabubuhay ang tao ng walang pangamba. Pero, with Balikatan exercise, a military exercise, for sure, maraming families nanaman ang ma-didisplaced, maraming bata nanaman ang titigil sa pag-aaral at ma-tatrauma, maraming kababaihan nanaman ang magiging biktima ng sexual violations and oppressions, at maraming inosenteng sibilyan ang madadamay.

We want a better, not a worse place to live into.

2 Responses to “Alam Niyo Na Ba?”

  1. foxtrot uniform charlie kilo says:

    ako pabor na pabor ako sa balikatan na yan kasi para matiktikan nila ang mga teroristang NPA dito sa bicol. sumosubra na pan-o an mga NPA nahagad protection money pero sira man lang an problema…. an insasabi mo na madanon na mga agency san gobyerno ta, puro wara serbe kay puro corrupt kaya para sa ako mas gusto ko pa ngani masakop na kita san america kaso diri mapayag an america na masakop kita kay puro kita problema…. Ningas Cogon, Crab Mentality nyan Bahala na…. sabi nira an pinoy iisang lahi… diri daw! may lahi kita na hapon… lahing americano nyan grabi an lahing kastila.. kaya peace na lang sa imo…. jejejeje!

Leave a Reply